Bros, the Worshipful Master is planning to resurrect “The Trowel”, the lodge past newsletter. This will then be Issue #13. I will be opening this page for your additional comments and suggestions. If you want to add anything, just post it in comments sections for later lay-out. You may now start your items in a regular word program and then email it to the master at npv_cosntruction@yahoo.com or, post it here in comments.
The following were already featured in the past:
Issue No. 4: WB Nick Morabe
Issue No. 5: VWB Virgilio Sarmiento
Issue No. 6: VWB Serafin Manarin
Issue No. 7 : WB Edgardo Mercado
Issue No. 9 VWB Aristides Velazco
Here’s an excerpt from Issue 12:
MGA HINANAKIT BUKID
ANG PIKON… PANGIT
Talagang ayaw na ni Bro. Ernel de Guzman umattend ng meeting, matapos na siya ay makalasap ng hindi magandang karanasan mula sa kapatid. Ang tanong ng mga bagong kapatid: Ganito pala ang Brotherly Love o ito ba’y… hinanakit bukid.
Minsan noon sa panunungkulan ni WB Sumagui ay nalingat siya at hindi na-receive ang isang dignitary ng Grand Lodge, nagtampo si dignitary at siya ay… naghinanakit bukid.
Nagpupukpok ang Master at nagulat ang mga kapatid… hindi nagustuhan ang style at nagbubulong na nawalan ng gana, ito ba ay katunayan na mababaw ang kapit nila sa samahan kung kaya’t sila ay… naghihinakit bukid.
Gusto n’yang siya ang masunod kung may degree work, subalit kung minsan ay may dumarating na gustong magdi-dipa sa conferral at nagagawa nga kahit wala siyang pahintulot… sa inis ayaw na nya at siya ay mayroong… hinanakit bukid.
Siya ay expert sa necro subalit may isang Past master na makulit na sumita sa kanya dahil hindi naman daw siya past master… hindi na siya umattend at sa ngayon siya pa rin ay may… hinanakit bukid.
Ang hinanakit ay parte na ng buhay ng tao. Isa itong emosyon na kung wala ka ay baka hindi ka tao, subalit kung sobra naman ito ay masasabi na hindi ka rin tao. Ang kapatid ay kapatid. Ginusto natin ang bawat isa na maging kapatid. Kung ang kanyang asal ay hindi natin gusto, hindi dapat madamay ang regular na activities ng lohiya at pati na ang ibang kapatid ay idamay na rin sa iyong nadaramang hinanakit. Ang kanya-kanyang personalidad ay dapat tanggapin, sapagkat sa ating edad na ito ay lubhang mahirap na baguhin pa ang mga ugali na noon pa man ay kinalakihan na. Ang ating natitirang magawa ay tanggapin ang pagkatao ng bawat isang kapatid at mag-alay ng payo na nakagaganda. Kung hindi man ito pakinggan, ang ating tungkulin bilang isang kapatid ay ating ng nagampanan.
Sa mga kapatid na ang hinanakit ay hanggang langit, mahirap matulog sa gabi na may hinanakit at hanggang ito ay hindi nalilinis, makakaramdam ka na parang hindi maganda ang takbo ng buhay mo dahil nahihila ka pababa ng iyong galit. Panahon na para ibigay ang unawa sa iyong kapatid, sapagkat kapag pinatawad mo sya, pinatawad mo na rin ang iyong sarili. Ito ang sikreto ng tagumpay… ang pagpapatawad.
